Ang saya kasama ng mga kapitbahay ko. Feeling ko araw-araw akong nasa school. May natututunan ako sa kanila, may natututunan din sila sa akin. Wag gm. >:)
Lagi kaming nagpupuyatan. Bago mag 12 am, andun pa kami sa kalye. Tambay tambay. Kwentuhan. Tawanan. Basta. Ang saya nila kasama :))
Just sharin’ :)
Ang saya rin namang maglinis sa coastal. Nung dumating kami, kaunti na lang yun basura. Mas luminis yung lugar. Isa na kami sa mga naglinis dun. Naks. proud. Wahaha :)) Dumating din si cynthia villar pero di ko alam kung ano ginawa nya roon.
By the way, ang dumi pa rin ng tubig. Ang daming patay na isda. Nakahuli kami ng isang isda. Yun nga lang, wala nang mga mata. Kadiri tingnan aba!
Sana dumami yung mga taong sumali sa mga paglilinis sa coastal area. Kapag hindi ito naalagaan, tuluyang dudumi ang tubig at mawawalan tayo ng mga pinagkukunan ng mga pagkain, especially seafoods.
Grabe naman tong kagrupo ko. Sabi niya ayaw niyang bumagsak sa research. Eto na nga ako oh, gagawa na nga eh. Tutulungan na nga siya eh. Siya pa tong ayaw mamigay ng file. Gagawing basis ko lang naman yun ng paggawa eh. Kukuha lang naman ako ng idea kung pano gawin yun eh. Di ko naman gagayahin yun eh. Ano ako, katulad mo? Yung ibang kaklase ko naman, ayaw magrespond. Eh anong gagawin ko dun? Kapag ako walang nagawa, bahala ka diyan. Alam kong ayaw mong masira yung reputasyon mo sa pagkakaroon ng failing grades.
Wahahaha >:))
Maganda na sana yung HG eh kung nakita ko man lang sana yung reaction ng FRIEND ko after watching the movie. Alam niya kaya na yun ang pinakahihintay ko noon pa? Na makita yung reaction niya at tawanan siya di dahil sa pang-aasar pero dahil alam kong nakatutuwa siyang tingnan? Alam ko kasing obsessed na obsessed sya dun eh. Tumblr niya, puro HG. Pati sa FB ba naman. Kapag nagchachat kami NOON, puro HG din yung laman ng isipan niya. Lalo na sa mga letters. HG HG HG.
Kakatuwa ano? :)
Pasensya na. Hindi ako madaling makuha sa isang sabihan lang. Natural na sa akin yun eh.
Pasensya na rin na lagi akong bumubuntot sa iyo sa church. Halos wala naman kasi ako magagawa dun eh. Gusto ko lang kasi ng kausap. Lagi. Di ko kasi sila makakausap nang maayos dahil halos wala kaming mga same interests. Anong ikukwento ko? Atleast ikaw, may idea kung anu-ano ang mga pinagsasasabi ko.
Pasensya na sa pagkakalikot sa buhok mo. Mahilig kasi akong mangalikot ng buhok ng babae eh. Natutuwa ako.
Pasensya na FEELING CLOSE ako sayo. Di ko kasi alam kung paano HINDI gawin yun sa taong malapit PARA SA AKIN eh. Ewan. Basta. Naguguluhan din ako eh.
Pasensya na. Hindi ko kasi alam kung paano maging friends eh. Ano ba kaibahan nun sa best friends at close friends? Ano rin ba kailangang gawing ng mga friends? Wag mong sabihing mag-iwasan. :P
Pasensya na sa ugali ko. Iba talaga ako eh. I’m so different. I’ll do my best na lang para maintindihan kita. :)
Okay. 1 week na kaming busy. 1 week na punong-puno ng mga projects. Karamihan sa amin di na natutulog o kaya laging puyat. Isa na ako sa mga laging nagpupuyat. Di na rin ako natutulog, sometimes.
Natuwa talaga ako nang makakuha ako ng matataas na grades dun sa mga pinagpuyatan ko. Like, for the first time kong makakuha ng ganung mga score. Wahahaha. :))
Payo ko sa inyong mga susunod na third year ay matuto kayong magkaroon ng TIME MANAGEMENT. Tiyak, mapupuyat at matatambakan kayo ng mga homeworks at projects. :P
Akala ko mananalo kami sa Mtap ngayong araw. It seems na mali ako. Ganun pala kahirap yun. Yung mga pinag-aralan namin ng 2 days ay hindi itinanong. Ibang-iba yung sa amin. Akala ko about Geometry yun. Yun pala, Trigo na. Ano kaya next year? Integral at Differential Calculus? Wahahaha :))
Nga pala, naistranded kami sa may kalagitnaan ng biyahe namin. Pumutok yung isa sa mga gulong. “Si Raveena kasi eh.” HAHAHA. Yung gulong sa may pwesto niya yung pumutok eh. Ang bigat DAW eh. HAHAHA. Peace. XD
Nakakapagod yung halos buong araw na nakaupo lang. Kaya ayun, inantok na ako. Nagulat ako, may isang magandang babae yung lumapit sa akin. Tinatanong kung may headache ako or something. Basta. Nagulat talaga ako. Di ko inaasahang kakausapin niya ako. Then, nung uwian na, basta. Maganda yung nangyari. Nabaliw tuloy ako. :))
Leap year! Weeee. :)
Kachat ko nanaman ang sarili ko sa FB. Fine. Maybe you have your own reasons. -.-
Pedro: Pare, Paabot nga ng Posporo.
Juan: Bobo...
Pipilitin kong tanggalin yung nalalabing feelings ko...